Tl:Mga hangganan sa pagmamapa ng pribadong impormasyon
- Ang pahinang ito ay binubuo pa (Nobyembre 2020). Maaaring hindi pa ito sumasalamin sa pinagkasunduan ng komunidad.
Pagkapribado
Ang kalayaan na imapa ang mundo sa OpenStreetMap ay may mga limitasyon kung saan nilalabag nito ang pagkapribado ng mga taong naninirahan sa mundong ito. Bilang isang pandaigdigang proyekto, dapat nating igalang ang personal na impormasyon gayundin ang pinagkasunduan sa komunidad tungkol sa mga ito.
Ang OpenStreetMap ay walang paraan upang itala ang mga indibidwal na kasunduan upang maglathala ng partikular na personal na datos. Ang nasabing datos ay hindi pa rin mapapatunayan, kaya kahit na may indibidwal na kasunduan na maglathala ay hindi ito magkasya sa OpenStreetMap.
Mga patakaran
Samakatuwid, ang ilang mga patakaran ay:
- Huwag imapa kung saan nakatira ang mga indibidwal na tao, lalo na ang mga pangalan ng mga naninirahan sa isang partikular na tirahan.
- Ang OpenStreetMap ay hindi isang pagpapatala ng ari-arian, kaya huwag imapa ang indibidwal na pagmamay-ari ng mga gusali o plot.
- Ang OpenStreetMap ay hindi isang phone book o direktoryo. Huwag imapa ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng mga indibidwal. Para sa mga nakamapa na negosyo at opisina na nasa pampublikong talaan, tinatanggap ang pagdaragdag ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan.
- Huwag pangalanan ang mga indibidwal sa mga tag maliban kung ang kanilang (mga) pangalan ay nasa isang karatula na nakapaskil patungo sa kalye, o bahagi ng pangalan ng negosyo o kung hindi man ay maaaring gamitin sa publiko. Halimbawa, ang pagta-tag sa mga tagapamahala (operator=*) batay sa datos na nakalimbag sa mga resibo ay normal.
- Huwag imapa ang personal na pag-uugali, kagustuhan at gawi ng mga indibidwal.
- Limitahan ang detalye ng pagmamapa sa mga pribadong likod-bahay. Bilang isang patnubay, ang mga permanenteng nakalagay na pribadong swimming pool (magdagdag ng tag na access=private kung naaangkop), o ilang istraktura ng medyo pampublikong hardin ay mukhang katanggap-tanggap. Ang mas detalyadong impormasyon ay malamang na hindi katanggap-tanggap o borderline.
- Huwag imapa ang personal na pag-aari ng mga pribadong bagay o ang kanilang lokasyon (tulad ng mga sasakyan, TV set, makinang panlaba, o kung gaano karaming mga alagang hayop ang nabibilang sa isang sambahayan); ang mga tag para sa ganoon ay dapat na limitado sa komunal na paggamit (halimbawa: isang pasilidad ng paglalaba sa isang lugar ng pagkakampo).
- Huwag imapa ang mga personal na pribadong panloob na pasilidad, tulad ng mga shower at palikuran sa mga pribadong apartment o bahay.
- Ang pagmamapa ng mga pribadong gusali, pribadong kalsada (kabilang ang mga daanan), pribadong paradahan ay itinuturing na ganap na katanggap-tanggap. Magdagdag ng tag na access=private ayon sa naaangkop sa mga kalsada, paradahan at iba pa.
- Ang pagmamapa ng mga solar panel sa bubungan ng mga bahay ay katanggap-tanggap.
Sino ang may Karapatan sa Pagkapribado?
Tanging ang mga buhay na tao lamang ang itinuturing na may karapatan sa pagkapribado. Hindi karaniwang tinatamasa ng namatay ang mga karapatang ito, bagaman maaaring may kaugnayan ang pagkapribado ng kanilang mga buhay na kamag-anak[1]. Gayundin, ang mga organisasyon (korporasyon, samahan, negosyo) ay hindi nagtatamasa ng karapatan sa pagkapribado.
Iba pang mga kadahilanan ng hindi pagmapa
Higit pa sa pagkapribado ng mga indibidwal, maaaring may iba pang dahilan para hindi imapa ang ilang bagay sa labas ng saklaw ng pahina na ito. Bagama't mayroong isang magaspang na pinagkasunduan sa mga ito, walang nakasulat na mga panuntunan:
- Proteksyon ng mga nanganganib na mga hayop at halaman. Malalapat ito sa pagmamapa ng pugad ng agila o mga pambihirang halaman bukod sa iba pang mga kaso
- Ang pagmamapa ng mga bihirang halaman sa isang botanikal na hardin ay katanggap-tanggap o hindi depende sa ilang mga pagkakataon.[2]
- Itinuturing din nag katanggap-tanggap ang pagmapa ng mga umiiral nang kalsada o mga landas; kung ang paggamit sa mga ito ay ipinagbabawal, gamitin ang access=no/access=private sa halip na tanggalin ang mga ito.
- Mga alalahanin sa kaligtasan. Malalapat ito sa pagmamapa ng lokasyon ng mga ligtas na bahay para sa mga biktima ng karahasan sa tahanan o mga lugar ng pagsamba ng relihiyon na inuusig sa isang partikular na rehiyon.
- Ang mga nasabing lugar ay hindi rin magkakaroon ng mga palatandaan, kaya ito ay kasabay ng pagiging verifiable. Tandaan na nais ng signposted na lugar para sa mga biktima ng karahasan na malaman ang lokasyon nito at makakatulong ang pagmamapa nito, habang ang pagmamapa ng lihim na bahay taguan ay magdudulot ng mga problema - at lalabag sa panuntunan sa pagiging verifiable.
- Mga katutubong lokasyon na itinuturing sagrado kung saan hiniling ng mga tradisyunal na may-ari at kanilang mga kinatawan na panatilihing pribado ang mga lokasyon ng mga lugar upang maprotektahan sila at mapanatili ang kanilang kabanalan.
- Tandaan na maaaring ganap na katanggap-tanggap ang ilang aktibidad sa OpenStreetMap pero ilegal sa isang partikular na lokasyon. Ang isang halimbawa nito ay ang pagmamapa sa Tsina kung saan ang pagsasagawa ng nasabing aktibidad na walang espesyal na pahintulot ay hindi pinapayagan ng mga batas nito[3]. Ang pagmapa ng Tsina ay katanggap-tanggap ngunit maaaring magdulot ng panganib kung ikaw ay nasa lugar na kontrolado ng Tsina.
Mga Limitasyon
Tandaan na ang pahina na ito ay hindi naglilista ng lahat ng bagay na hindi maaaring imapa para sa mga dahilan ng pagkapribado. Kung ang isang bagay ay hindi malinaw na sakop ng mga panuntunan sa itaas, maaari pa ring magkaroon ng malinaw na pinagkasunduan anuman ang katanggap-tanggap na imapa ito - posibleng dahil sa mga alalahanin sa pagkapribado.
Tandaan din na ang pahina na ito ay isang pagtatangka na idokumento ang pinagkasunduan, ito ay hindi isang tiyak na opisyal na desisyon.
Tignan din
Ang pahina na ito ay tungkol sa paggalang sa pagkapribado ng mga indibidwal na namamapa. Tungkol sa datos ng mga tagagamit, miyembro at bisita sa website, tingnan ang Patakaran sa Pagkapribado.
- Verifiability - pagpapaliwanag sa wikang Ingles kung saan ang limitasyon na ito ay naaangkop para sa karamihan sa mga pribadong bagay
- Copyright - pagpapaliwanag sa wikang Ingles patungkol sa karapatang-sipi
- Why we won't delete roads on private property - pagpapaliwanag sa wikang Tagalog para sa mga may-ari ng lupa na gustong tanggalin ang mga daan at landas sa loob ng lupang may pribadong pagmamay-ari
Mga sanggunian
- ↑ Mga regulasyon sa pagkapribado bilang paglalapat sa mga patay na tao (nakalathala sa wikang Ingles) bilang halimbawa ng isang sitwasyon
- ↑ Tignan ang isang artikulo kung saan tinalakay ang pagnanakaw ng isang bihirang Water lily sa Kew Gardens sa Britanya noong 2014
- ↑ Tignan ang artikulong Restrictions on geographic data in China sa Wikipediang Ingles para sa karagdagang impormasyon
Kung gumawa ka ng malalaking pagbabago sa pagsasalin na ito, baguhin din ang orihinal na artikulo at ipaalam sa iba pang mga tagapagsalin o humingi ng tulong dito. Malugod na tinatanggap ang mga pagwawasto na ortograpik, panggramatika, leksikal o pangkakanyahan.