Tl:Pilipinas

From OpenStreetMap Wiki
Jump to navigation Jump to search
VTE
Pilipinas, Asya
Wikidata

latitud: 11.803, longhitud: 122.563
Silipin ang mapa ng Pilipinas 11°48′10.80″ N, 122°33′46.80″ E
I-edit ang mapa
Panlabas na mga link
Gamitin ang template na ito para sa iyong lungsod

Ang Pilipinas ay isang bansa sa Asya, sa latitud ng 11°48′10.80″ hilaga at longhitud ng 122°33′46.80″ silangan.

Kumusta, at maligayang pagdating sa tahanan para sa pagmamapa ng Pilipinas sa OpenStreetMap Wiki!

Bago ba kayo sa OpenStreetMap? Maari kayong sumilip sa gabay para sa mga baguhan.

May tanong? Diskusyon? Inaaya kayo na sumama sa diskusyon dito sa OSMPH Telegram o sa talk-ph mailing list

Mga gabay at kumbensiyon

Ang pahina sa mga kumbensiyon sa pagmamapa ay ang buod ng mga tuntunin sa pagmamapa para sa Pilipinas. Hangga't maaari, ang pagmamapa at pagta-tag ay dapat sumunod sa mga tuntuning itinatag ng buong komunidad ng OpenStreetMap, tulad ng mga tinutukoy sa mga pahina tulad ng mga tampok sa mapa, indeks ng mga tampok, at mga pamantayan at kumbensiyon sa pagmamapa. Kung kailangang ilinaw ang mga kumbensiyon sa konteksto ng Pilipinas, idinodokumento sa pahinang ito ang anumang mga kumbensiyong napagkasunduan ng komunidad ng OSM sa Pilipinas.