Tl:Why we won't delete roads on private property
Ang mga daan at landas ay palaging tinatanggal sa OpenStreetMap kung saan iginiit na ang mga nasabing tampok ay nasa loob ng lupang may pribadong pagmamay-ari at samakatuwid ay hindi dapat ipakita sa anumang mga mapa. Kadalasan ito ay mismong ginagawa ng mga may-ari ng lupa, minsan pagkatapos ng mga problema sa walang pahintulot na pagpasok sa lugar, pagkakalat ng basura at iba pa.
Bakit hindi solusyon ang pagtatanggal ng mga daanan sa mapa
Sa OSM, minamapa namin kung ano ang nasa lupa. Kapag nakakita ng isang tagapagambag ng isang daan o landas kapag nagsisiyasat o tumitingin sa mga larawang kinuha mula sa himpapawid o LIDAR, susubukan na maidaragdag ito sa mapa. Nangangahulugan din ito na kapag ang isang daan o landas ay tinanggal, ang prosesong ito ay maaaring magsimula muli: dahil minamapa namin kung ano ang nasa lupa, mapapansin ng kasunod na tagapagambag ang daan o landas at idagdag ito muli.
Ang solusyon dito ay hindi ang pagtanggal ng daan o landas kung di ang pagdaragdag ng nararapat na impormasyon sa nasabing tampok. Sa kaso ng mga landas na hindi pwedeng gamitin ng publiko o mga iligal na landas, karaniwang ginagawa ito sa pamamagitan ng pag-tag sa nasabing daan o landas bilang access=private. Ito ang tanging paraan upang sabihin sa bawat gumagamit ng datos ng OSM na ang daan o landas na ito ay hindi dapat gamitin ng publiko. Isinasaalang-alang ito ng mga algoritmo ng pag-ruta at hindi ka makaka-ruta sa mga nasabing daan o landas. Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng mga pribadong kalsada sa mapa ay maaari ring makatulong sa mga kaso na kailangang gamitin ang mga kalsada na ito. Tumutulong sila sa mga serbisyo sa paghahatid at mga serbisyong pang-emerhensya tulad ng mga brigada o kagawaran ng bombero.
Mga kalamangan ng pagkakaroon ng mga nasabing daan at landas sa mapa
- Ang isang tagagamit ng mapa ay may mapa na malinaw na nagsasaad na ang isang daan o landas ay pribado ay hindi maaaring mag-angkin ng ignoransya. Ang malinaw na impormasyon ay ginagawang mas madali upang mapanatili ang isang daan o landas bilang pribado.
- Ang pag-alis ng daan o landas ay ginagawang mas posible na maidadagdag ito muli bilang isang pampubliko at hindi pribado na daan o landas.
- Ang pagkakaroon ng daan o landas sa mapa ay ginagawang mas madali para sa tao na iwasan ang hindi sinasadyang paggamit ito. Ang mga sinasalita na tagubilin tulad ng "pumunta sa unang landas sa kaliwa" na maaaring maging sanhi ng mga tao na lumakad papunta sa at/o gumamit ng isang pribadong daan o landas.
- Ang datos ng OSM ay ginagamit din ng mga serbisyong pang-emerhensya. Ang landas ay maaaring hindi gamitin ng pangkalahatang publiko, ngunit ang kaalaman na ang isang pribadong landas ay naroroon ay maaaring makaligtas ng buhay sa isang araw sa hinaharap.
Pagkakaiba ng pagmamapa ng mga pribadong daan sa pagdaragdag ng personal na datos
Ang pagmamapa sa mga pribadong kalsada ay hindi nagpapahiwatig ng pagmamapa sa personal na datos. Ang huli ay hindi dapat idagdag sa OpenStreetMap, tignan ang Mga hangganan sa pagmamapa ng pribadong impormasyon para sa karagdagang impormasyon.
Kung gumawa ka ng malalaking pagbabago sa pagsasalin na ito, baguhin din ang orihinal na artikulo at ipaalam sa iba pang mga tagapagsalin o humingi ng tulong dito. Malugod na tinatanggap ang mga pagwawasto na ortograpik, panggramatika, leksikal o pangkakanyahan.